Friday, February 25, 2011

Candifier Meets Chippendale's!

Mga kababayan kong mahilig sa mga matipunong kalalakihan,

Ito pong ihahayad ko sa inyo ay nasa lenguahe ng ating bansa sapagkat binabasa po ito ng aking jowa. Sana ay hwag nyong pintasan masyado ang i-spelling ko dahil lumagpak ako sa Pilipino nung nasa eskwela pa ako.

Ipagdadasal ko nalang na tamarin nalang si jowa na ipa-lipat sa Ingles ang lahat na ito sa ibang tao kung hindi, YARI AKO!

Noong nakalipas na Sabado, nagpunta ako sa isang konsiyerto ng mga lalaking naghuhubad. Ang saya saya! Bente kaming mga magkakaibigan na nagsidalo sa Resorts World at nakaupo kami sa napalalapit na mga upuan para maganda ang aming tanawin sa mga puting sumasayaw na macho.

(DIYOS KO! ANG HIRAP NAMAN NITO!)

Isang oras yung sayawan and sigawan. Yung mga gwapito, pumupunta naman sa mga manonood dahil napaka-layo naman ng entablado sa mga upuan. Kapag pumupunta sa sila sa amin, walang mintis, ako ay makakahawak, makakahalik at makakayakap ng isa sa kanila. Sa haba ng palabas, apat na kalalakihan ang nahipuan ko! O diba? Panalo!!!

Noong pinapunta kami sa may harap ng entablado, nagsilabasan na ng camera at KODAKAN na!!! Ito ang aking nakuha. Tingnan nyo naman kung gaano ako kalapit! Talagang panalo!!!


Medyo nabisto ako dito dahil kitang kita yung singsing ko!! Diyos ko day, YARI na talaga ako pero sige nalang...bisto na kung bisto!! Bawi na lang ako. Hahaha.

Aba, si Maika, nakakuha pa ng pinunit na sandong puti! Gusto ko nga rin kaya lang, nung nahawakan ko yung sando, basang basa ng pawis!! Yuck....hwag no toy! Sa'yo nalang!

Pagkatapos ng palatuntunan, kumain kami sa restawran. Lahat ng mga kasama ko, dakdak ng dakdak. Ako, walang isang salita dahil, PAOS na PAOS ako kakasigaw nung palabas.

4 na araw matapos yung masayang gabi, nakita ko ang isang "link" sa Ellen De Generes Show. Inimbita rin niya yung Chippendale's!! ABA...eh di sobra akong nagulat!!! Parang nadaya yata kami dito sa Pinas dahil ang SOBRANG GWAPO and BAGETS ng nga nasa Amerika. Ang pinapunta yata dito sa Pinas, puro tapon at patapos na ang karir!

Ito ang mga lalaking puti na pumunta dito.


Ito na ang pinaka-gwapo sa lahat. Bading naman sabi ni DR!!!



Ito naman ang mga nakita ko sa Ellen.


Parang gusto ko tuloy ibalik nila yung bayad ko!

Pero ito naman ang mga katawan ng mga nagpunta dito kaya ok na rin!!





Ang saya saya!!! O sige na...tapusin ko na to. Sakit na ng ulo ko!! Baboosh!

5 comments:

Anonymous said...

HILARIOUS!!!!!

Koi Mejia said...

HAHAHAHA This is so funny! And I love the woman taking great interest on the TWALYA!

Great job on the Tagalog too! :)

Anonymous said...

Best post ever!!!

Elizabeth

Joy Page Manuel said...

Nakakaaliw ka Candy, pati tuloy ako napipilitang magPilipino para hindi mahulaan ang sinasabi mo. Goodluck sa iyong pagtatago nito sa iyong labidoods pero palagay ko mauunawaan naman nya na kasiyahan lang ito at hinding hindi mo sya ipagpapalit! Naks! :-))

creativeconsumption said...

Umihi tuloy ako sa kakatawa. Panalo!